-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakuryente ang tatlong katao sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay walong taong gulang at 11-anyos na bata kabilang ang kanilang lola, na pawang mga residente ng Barangay Bagontapay, M’lang, Cotabato.

Ayon sa kanilang kaanak na si Luvinia Purales, aksidente anyang nasagi ng 11-anyos na lalaki ang kanilang sampayan na may live wire ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) hanggang sa isinalba anya ito ng isa pa niyang pinsan na nakuryente rin.

Tinapik ng matanda ang dalawa niyang apo sa pag-aakala na-prank lamang sya ngunit nakuryente rin ito.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mga biktima sa pagamutan.