-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nanguna ang gobyernong may malasakit sa Maguindanao sa dalawang araw na medical at dental mission sa bayan ng Datu Montawal.

May libreng check-up, bunot ng ngipin, pakain, medical check-up, libreng gamot,tuli, pamimigay ng eyeglasses at iba pa.

Namigay rin ng tsinelas sa mga kabataan at libreng wheelchair sa may mga kapansanan sa bayan ng Datu Montawal.

Maliban sa feeding program ng probinsya,nagpalibre rin ng ice-cream at ice drop si Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal at Ist Lady Bai Kristel Montawal.

Ayon kay Mayor Montawal na noong kabataan nya ay halos hindi sya makakain ng ice-cream dahil nakatira sila sa malayong lugar at galing sa mahirap na pamilya ngunit nagsikap ang kanyang mga magulang kaya umangat ng konti ang kanilang pamumuhay.

Ang dalawang araw na Medical at dental mission ay bahagi ng programa ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang tinaguriang “agila ng Maguindanao”.

Minungkahi rin na dapat magkaroon ng Nutrition Council ang bayan ng Datu Montawal para matutukan ang kalusugatan ng mga kabataan.

Todo pasasalamat naman ang LGU-Datu Montawal sa pangunguna ni Mayor Datu Otho Montawal at Vice-Mayor Datu Vicman Montawal kay Gov Bai Mariam Sangki Mangudadatu at napili ang kanilang bayan sa dalawang araw na Medical and Dental Mission.

Nilinaw ng medical team na magkakaroon rin ng katulad na programa sa ibang bayan dahil lilibutin nila ang buong probinsya.