-- Advertisements --

Idadaos na ang kauna-unahan at pinakamalaking kaganapan na sesentro sa pangangasiwa sa mga basura simula bukas, Nobiyembre 5 hanggang 6.

Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang siyang magho-host sa naturang event na tinawag na Road to Zero Waste Summit na gaganapin sa Unilab Bayanihan Center sa lungsod ng Pasig.

Ito ay free admission kayat bukas ito sa publiko na interesadong makibahagi sa event.

Layunin ng summit na ito na ma-highlight ang mga makabagong solusyon sa pamamahala ng mga basura na maaari ding makatugon sa mga hamon o problema sa solid waste sa Metro Manila tungo sa pangmatagalang sustainability.

Itatampok sa event ang iba’t ibang mga aktibidad para palawakin pa ang kamalayan ng publiko sa waste technologies at community-based interventions para mapataas ang waste diversion sa National Capital Region.

Matututo din ang mga attendee sa maayos na segregation at existing waste diversion points. Samantala, maliban sa mga kaalaman kaugnay sa solid waste management, makakapag-uwi din ng libreng eco-products ang mga participant at iba pang giveaways mula sa MMDA at kanilang partners.

Magsisimula ang registration para sa pagdalo sa summit dakong alas-9 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi sa unang araw at hanggang alas-5 naman ng hapon sa Nov. 6.