-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ang mga Bagong halal na Local Chief Executives (LCEs) mula sa buong rehiyon ng Bangsamoro ay dumalo sa pagsasanay at oryentasyon sa mga batayan ng lokal na pamamahala mula Hunyo 16 hanggang ngayong araw sa Cotabato City.

Sa tema na “Paglikha ng Synergy sa Bangsamoro Patungo sa Moral Governance,” ang aktibidad ay inorganisa ng Ministry of the Interior and Local Government.

Ayon kay MILG Minister Attorney Naguib Sinarimbo na ang pagsasanay ay nakatuon sa LCEs sa pamamagitan ng mga pangunahing kaalaman sa pagpapatakbo ng burukrasya.

“The purpose of this training is to orient the newly elected local chief executives of the basics of governance, what laws or ordinances they need to enact, special bodies to organize, and what steps to take before actually assuming the post on June 30, 2019,” ani Sinarimbo.

Samantala, binigyang-diin ng Interim Chief Minister Ahod Alhaj Murad Ebrahim na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay ang pinakamahalagang mga kasosyo ng BARMM sa pagkamit ng mga aspirasyon ng Bangsamoro.

“It is very important that we have a talk like this, in order to understand everybody and in order to have one common line. This is only the first time but rest assured that we will be talking more in order to work out a very strong cooperation and partnership with the LGUs,” dagdag ni Ebrahim.

Umaasa naman si Ebrahim na ang aktibidad ay hindi lamang magpapalakas sa bawat isa ngunit naglalayon na maging mahusay na maisagawa ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan para magsikap at magtulungan sa sinusulong na pag-unlad ng Bangsamoro.

Ang Bangsamoro Government ay umaasa sa suporta sa mga Local Government Units sa pagbibigay buhay sa Batas Organisasyon ng Bansamoro at ng mga aspirasyon ng Bangsamoro.