Inaresto ng mga otoridad sa Estados Unidos ang mga hinihinalang kasabwat ni dating Nissan chief Carlos Ghosn na tumakas sa Japan upang pumunta sa Lebanon.
Buwan ng Enero noong makakuha ang Tokyo prosecutors ng arrest warrant para kay dating US Green Beret Michael Taylor at anak nito na si Peter Taylor.
Nadampot ng mga pulis ang mag-ama sa Massachussetts.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Japan-US treate na niratipikahan noong 2004 kung saan pinapayagan ang investigative authorities sa parehong bansa na magtulungan ng hindi na kailangan pang dumaan sa kahit anong diplomatic channels.
Sa papeles na inilabas ng korte sa Massachussets, nakasaad dito na kinuha nila ang dalawang malaking black boxes mula sa isang hotel room malapit sa Kansai Airport kung saan nagtatago si Ghosn.
Base sa dokumento, isinakay umano ang mga nasabing black box sa isang private jet.
Hinihinalang ilang beses din nakipagpulong si Peter Taylor kay Ghosn bago nito gawin ang pagtakas.