-- Advertisements --
Sinampahan na ng kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek na nahulian ng mahigit P3.4 million na pinaniniwalaang shabu sa Quiapo, Manila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Allan Taha Usman at Rocky Pablo Cornelio.
Ayon sa PDEA region IV-A, ilang linggo nilang minanmanan ang galaw ng mga suspek.
Matapos na makakuha ng impormasyon sa pinagkukutaan ng mga suspek sa isang home supply shop ay agad nilang isinagawa ang drug buybust operations.
Aabot sa mahigit 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa mga suspek.
Nabawi sa mga suspek ang ginamit na marked money at ang droga na itinago sa plastic bag.
Inaalam pa ng PDEA kung saan ang pinagkukuhanan ng mga suspek ang nasabing iligal na droga.