-- Advertisements --
US Capitol Congress Rally Trump

Arestado ang dalawa pang kalalakihan na responsable sa naganap na pang-aatake sa US Capitol noong Enero 6.

Kinilala ang mga ito na sina Julian Elie Khater ng Pennsylvannia at George Pierre ng West Virginia.

Ayon sa mga kapulisan, nagtulungan daw ang dalawa para mag-spray ng chemical sa isang pulis na si US Capitol Police Officer Brian Sicknick na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Ang dalawa ay kinasuhan ng nine counts na may kinalaman sa violence at assaulting officers.

Ilang linggo na rin na pinaghahanap ng FBI ang mga suspek hanggang mayroong nagsumbong sa kanilang kinaroroonan.

Iniulat na rin ng mga imbestigador ng District of Columbia na kanilang kinilala na ang mahigit 540 mga suspects at nasa higit 275 ang inaresto bunsod pa rin ng kontrobersiyal na Capitol siege.