-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng mga armadong grupo sa probinsya ng Maguindanao.

Sa ulat ng pulisya, nagkasagupa ang grupo nina Butol Mantol ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at dating Barangay Kapitan Mohammad Andoy sa Barangay Kudal, Pagalungan, Maguindanao.

Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ang mga ito patungo sa mga ligtas na lugar.

May matagal na umanong personal na alitan ang dalawang grupo sa kanilang pamilya at sinakyan pa ng maruming politika,

Kinumpirma mismo ng mga bakwit na may mga nasawi na at nasugatan sa panig nina Kumander Butol Mantol at mga armadong tauhan ni Andoy.

Namahagi na rin ng tulong ang LGU-Pagalungan sa mga pamilya na lumikas sa kaguluhan.

Sa ngayon nagsisikap ang pamunuan ng MILF na maisaayos ang alitan ng magkaaway na grupo.