-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Lumikas ang mga sibilyan nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na nagka-engkwentro ang grupo nila Kamad Andoy at pamilyang Matalam sa Sitio Lakeg Barangay Dunguan Datu Montawal at hangganan ng Sitio Betig Barangay Inug-Ug Pagalungan Maguindanao.

Dahil sa tindi ng putukan ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

Ang mga naglalabang grupo ay mga personal na alitan sa pamilya at mga myembro ng isang Moro Fronts.

Natigil lamang ang putukan ng dumating ang tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army,PNP,mga Barangay at LGU Officials.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lider ng mga naglalabang grupo sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal.