CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Ayon sa ulat ng pulisya nagka-engkwentro ang grupo nina Kumander Ustadz Kaharudin Umbong,Brigade Commander ng 104th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces-Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) at alyas Kumander Thots sa Barangay Rebuken Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.
Magdamag hanggang umaga ay nagkapalitan ng putok ang magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.
Dahil sa takot ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.
Humupa lang ang sagupaan nang dumating ang mga kasapi ng MILF-CCCH,militar at pulisya.
Isang sibilyan ang nasugatan na tinamaan ng mga ligaw na bala habang di matiyak sa naglalabang grupo.
Sa ngayon ay nakatakdang ipatawag ng MILF-CCCH at mga LGU-Officials ang mga lider ng magkaaway na grupo para resolbahin sa mapayapang negosasyon ang kanilang alitan.