-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang maraming mga sibilyan sa engkwentro ng dalawang armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng militar na nagkasagupa ang grupo nila alyas Lak na isang umanong dating sundalo at grupo ng isang Barangay Chairman sa bahagi ng Barangay Sambulawan Midsayap Cotabato na ngayon ay sakop na ng Special Georaphic Area (SGA-BARMM).

Dahil sa tindi ng palitan ng bala sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa gulo.

Agad namang nagresponde ang militar at pulisya para mapangalagaan seguridad ng mga bakwit.

Sinabi naman ni Midsayap Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Officer Karl Ballentes na nakipag-ugnayan na sila kasama si Mayor Rolly Sacdalan sa SGA Midsayap-BARMM para sa agarang tulong sa mga pamilya na lumikas sa Brgy Sambulawan.

Sa ngayon ay may napaulat nang nasawi at nasugatan sa magkabilang panig dahil sa personal na alitan o rido.