-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang sumiklab ang engkwentro ng magkalabang grupo nitong gabi ng Miyerkules sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na nagkasagupa ang dalawang armadong pamilya sa Barangay Macabual Pikit Cotabato.

Dahil sa tindi ng putukan sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

Ang dalawang grupo ay mga myembro umano ng isang Moro Fronts kaya armado sila ng mga matataas na uri ng armas.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak ang mga nasawi at nasugatan sa magkabilang panig.