CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang bilang ng mga pamilyang lumikas sa kalat-kalat na sagupaan ng magkaaway na grupo sa probinsya ng Cotabato.
Umaabot na ngayon sa 336 pamilya ang lumikas sa Barangay Dalingaoen at Brgy Balatikan, Pikit, Cotabato.
Unang nagkasagupa ang dalawang grupo noong Agosto at maraming sibilyan ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.
Bago lang ay uminit ang tensyion at muling nagka-engkwentro ang magkaaway na pamilya na pawang mga miyembro ng kilalang Moro fronts kung saan nadagdagan ang mga bakwit.
Nagpatayo na rin ng karagdagang tents ang LGU Pikit at BARMM government para sa mga bakwit.
Una nang nagpaabot ng tulong ang LGU-Pikit sa pamumuno ni Mayor Sumulong Sultan sa mga pamilya na sentrong naapektuhan ng gulo.
Tiniyak naman ng alkalde na mabibigyang solusyun at maayos ang gusot sa pagitan ng dalawang grupo.