-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Awayan sa lupa ang ugat sa bakbakan ng mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay South Upi, Maguindanao Mayor Reynalbert Insular na nagkasagupa ang dalawang armadong pamilya sa hangganan ng Barangay Pilar at Pandan.

Dahil sa tindi ng engkwentro ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.

Sinabi ni Mayor Insular na agawan sa lupa ang dahilan ng engkwentro na dalawang grupo na myembro umano ng isang Moro fronts.

May napaulat na umanong mga nasawi at mga nasugatan sa kalat-kalat na palitan ng bala sa magkabilang panig.

Sa ngayon ay may mga tao nang inatasan si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu, katuwang ang LGU-South Upi, militar, pulisya at MILF para ayusin ang alitan ng magkalabang grupo.