-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Aleosan PNP na nagka-engkwentro ang dalawang armadong pamilya sa hangganan ng Barangay Dungguan Aleosan at Brgy Langayen Pikit Cotabato.
Dahil sa tindi ng palitan ng bala sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.
Armado ng mga matataas na uri ng armas ang dalawang grupo na pawang mga kasapi ng isang Moro Fronts.
Hanggang ngayong madaling araw ng Sabado ay maririnig pa ang palitan ng bala sa magkabilang panig at di pa tiyak kung may nasasawi na o nasugatan.