Arestado ang dalawang miyembro ng teroristang abu Sayyaf sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dito sa Metro Manila.
Ang dalawang nahuling Abu Sayyaf members ay sangkot sa kidnapping at pagpatay sa dalawang miyembro ng Jehovas Witnesses nuong 2002.
Kinilala ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang dalawang nahuling bandido na sila Jamar Ibi at Raden Jamil.
Ayon kay Lavin nahuli ang dalawa sa dalawang magkahiwalay na operasyon.
Nahaharap sa six counts of non-bailable chargers of kidnapping and serious illegal detention ang dalawa.
Ayon kay NBI Counter-terrorism Division Officer in charge Darcy Binaya bago nila nahuli ang dalawa, nagsagawa muna sila ng surveillance operations batay sa intelligence information na kanilang natanggap.
Naaresto sina Ibi nuong Oct 12 sa Pasay City habang si Jamil ay naaresto nuong Oct.19.
Kasalukuyang nakakulong sa NBI Detention facility ang dalawang bandido.