-- Advertisements --
Boluntaryong sumuko sa militar sa probinsiya ng Sulu ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.
Sa report na inilabas ng Western Mindanao Command (Wesmincom) sa Zamboanga City, bandang alas-9:00 ng umaga ng iprisinta no 21st IB Commanding Officer Ltc. Jesus Pagala kay 501st Brigade Commander Col. Peter Angelo Ramos ang sumukong bandido.
Kinilala ni Wesmincom spokesperson Ltc. Gerry Besana ang dalawang sumukong ASG members na sina Albi Amirol Alih alias Albi at Obin Umod mano alias Saip, pawang mga miyembro ni ASG sub-leader Idang Susukan.
Isinuko din ng dalawang bandido ang kanilang mga armas.
Kasalukuyang nananatili pa sa kustodiya ng militar ang dalawang sumukong ASG members para sa kaukulang dokumentasyon.