-- Advertisements --

11th

Sumuko sa operating units ng 45th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Brgy Tugas, Patikul Sulu.

Kinilala ni 45th IB acting commanding officer Lt. Col. Vicente Mabborang Jr ang mga sumuko na si alias Adzmil at alias Raj na parehong residente ng Patikul.

Ang dalawa ay dating followers ni ASG leader Radullan Sahiron na parehong bata pa lang ay na recruit na ng ASG.

Isinuko rin ng dating rebelde ang kanilang mga armas ang isang M79 at M16 rifle.

Ayon kay JTF Sulu commander, MGen. William Gonzales, na-pressure na ang mga ASG dahil sa kanilang sunod-sunod na operasyon sa lugar.

11th2

Ito’y matapos masawi ang dalawang ASG kamakailan at isang sundalo dahil sa naganap na engkwentro.

Kinilala ni Gonzales ang nasawing sundalo na si Cpl. Jonald Casing.

“Although this loss deeply hurt us, we honor Jonald by accepting ASG members who are ready to start anew. We forgive so that we can end the cycle of violence. As for those who are insisting on this senseless violent extremism, we will continue to do our job until our mission is fully realized,” pahayag pa ni Gonzales.

Samantala, patuloy naman ang panghihikayat ng militar sa iba pang rebelde na sumuko na sa pamahalaan.