-- Advertisements --

Dalawang bandidong Abu Sayyaf ang patay habang lima naman ang sugatan sa engkwentro kahapon ng hapon sa may Barangay Tubig Dacula, Indanan Sulu.

Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na nagsasagawa ng focused military operation ang mga tropa ng 13th Scout Ranger Company mula sa 2nd Scout Ranger Battalion ang grupo ng bandidong Abu Sayyaf na responsable sa pagpugot sa ulo ng German hostage na si Juergen Kantner.

Sinabi ni Sobejana na grupo ni Abu Mike at Abu Bagadi ang nakasagupa ng mga Scout Ranger kahapon.

Nasa 70 armadong grupo ang naka engkwentro ng mga elite force ng Philippine Army kung saan umabot sa halos isang oras ang labanan.

Sa panig ng pamahalaan nasa 11 ang sugatan na nagtamo ng mga minor wounds na kasalukuyang ginagamot sa Camp Teodulfo Bautista Hospital sa Busbus, Jolo,Sulu.

Hindi naman masabi ni Sobejana kung kasama sa grupo si ASG Sub Leader Muammar Askali alias Abu Rami.

Aniya, simula ng mapugutan ng ulo si Kantner humiwalay na sa grupo si Askali.

Napag alaman ng militar na nadismaya si Askali dahil buong akala niyo magkakaroon ng bayaran ng ransom.