-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ng PNP na suicide bombers ang naging sanhi ng pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24 na ikinamatay ng 15 katao.
Ayon sa PNP, dawalang female Asians ang nagsagawa ng suicide bombing.
Pero inabi ni Police Lieutenant Colonel Kris Conrad Gutierrez, spokesperson ng special investigation task group na ang hindi naman nakumpirma sa resulta ng DNA tests kung Pinay ang dalawang suspek.
Aniya, hindi raw madedetermina kung Pinay ang mga ito dahil Aisan o Caucasian lamang umano ang puwede nilang madetermina.
Maging ang edad daw ng mga suicide bombers ay hindi rin madetermina ng Crime Laboratory.
Lumalabas din umanong walang blood relation ang mga suspek sa naganap namang Jolo Cathedral bombing noong January 27, 2019.