-- Advertisements --
Nakabalik na sa mundo ang dalawang American astronauts na na-stranded sa International Space Station ng 286 araw.
Dakong 5:58 ng umaga oras sa Pilipinas ng bumagsak sa karagatan ng Tallahassee, Florida ang sinakyan SpaceX spacecraft nina Butch Wilmore at Sunita “Suni” Williams .
Kasama rin nilang umuwi sina Nick Hague at Aleksandr Gorbunov.
Nag-deploy ng parachutes ang Dragon Freedom Crew-9 pagdating sa 6,000 talampakan sa ere.
Nagdiwang ang mga nasa control room matapos ang paglapag ng mga astronaut sa karagatan.
Ang dalawa na pawang mga test pilots ay mananatili sana sa ISS ng walong araw noong Hunyo subalit nagkaroon ng problema ang kanilang sasakyang pabalik sa mundo na Boeing Starliner kaya nanatili sila doon ng ilang buwan.