-- Advertisements --
Nakarating na sa International Space Station (ISS) ang mga astronauts na sina Robert Behnken at Douglas Hurley matapos ang 19 na oras na biyahe lulan ng SpaceX Dragon capsule.
Ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang US sa ISS mula noong 2011 ng magretiro ang Space Shuttle.
Makasaysayan din ang nasabing paglunsad dahil sa ito ang unang pagkakataon na gumamit ang NASA ng pribadong rocket na pag-aari ng bilyonaryong si Elon Musk.
Magugunitang noong Mayo 27 sana ang paglipad nito subalit ipinagpaliban ito dahil sa sama ng panahon at nitong Linggo lamang ito natuloy mula sa Kennedy Space Center.