DAVAO CITY – Nakamit ng dalawang athlete mula sa Davao Region ang gintong medalya sa magkaibang sports sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Matapos ang tatlong taon ay nakamit na ng Dabawenyong si Marc Alexander Lim ang matagal ng inaasam na gintong medalya matapos nitong magapi si Vietnam’s Dang Dinh Tung sa men’s ne-waza nogi 69kg division.
Maalalang noong 2019 Sea Games, napanaluan ni Lim ang silver medal samtalang bronze naman ang nakamit nito last year.
Maliban kay Lim, nakamit din ng Tagumenyong si Elias Tabac kasama ng teammates nitong sila Mervin Guarte, Elias Tabac, Jay-R de Castro at Ahgie Radan, ang gold medal sa obstacle course relay 100 meter Men competition na isinagawa kahapon sa Cambodia.
Napag alamang si Elias Tabac isang veteran ultra-marathoner at empleyado sa Davao del Norte provincial government. Nakamit din nito ang Guinness Book of World Record matapos mapanaluan ang pinakaunang World’s Highest Obstacle Course Race (OCR) and ALTITUDE OCR World Championships noong September 12 – 21, 2022 sa Mount Kilimanjaro, Tanzania.