-- Advertisements --

Panibago na namang dalawang atleta ang nagpositibo ngayon sa COVID-19 sa loob mismo ng Olympic Village dito sa Tokyo, Japan.

Ang dalawang atleta ay kabilang sa 12 mga nagposito na bahagi ng Olimpiyada.

Sa kabuuan ang nagpositibo sa COVID-19 mula noong July 12 nitong taong kasalukuyan ay nasa kabuuang 87 na.

Ang panibagong development ay sa kabila na bukas na gagawin ang pormal na pagbubukas nang na-delay na Olimpiyada.

Ito ay sa gitna na pinaghigpit pa na araw-araw na COVID tests sa mga delegado at atleta.