-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nag-uwi ng medalya ang mga Aklanon athletes na kalahok sa ginanap na 13th Association of SouthEast Asian Nation Schools Games 2024 sa Da Nang, Vietnam.

Sina Zyche Mae Jizmundo at Mickael Xavier Malic ay nakasungkit ng silver at bronze medal para sa Pilipinas sa kategoryang Seni-Putri Tunggal sa larong pencak silat.

Ayon kay Philippine Lighting Speed-Pencak Silat Aklan coach Mr. Freddie Jizmundo Sr., nagpamalas ng galing ang nasabing mga atleta kahit na hindi nila naungusan ang powerhouse team na Indonesia pagdating sa larangan ng laro.

Hindi man napasakamay ang gintong medalya, nakita rin aniya ang buong suporta at respeto ng Philippine Sports Commission sa mga atleta ng Aklan.

Nasa 1,300 na mga atleta mula sa 10 Southeast Asian countries ang nagcompete sa iba’t ibang laro gaya ng athletics, swimming, badminton, pencak silat at vovinam.