-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nagkaroon ng malawakang evacuation order ang pamahalaan ng California dahil sa nararanasang dalawang atmospheric river storms na nagdudulot ng panganib na pagbaha, malakas na niyebe at malakas na bugso ng hangin sa estado.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Isidro Madamba, hindi pa nga umanog nakakarekober ang bansang California mula sa snow storm ay ito naman ngayon ang nararanasan ng bansa.

Batay sa ulat, mayroon ng naitalang pagkamatay dahil sa pamiminsala ng bagyo at ilang establishimento na rin ang nasira dahil sa pamiminsala ng naturang sakuna.

Isang indibidwal din ang napabalitang nahulog sa puno dahil sa lakas ng pagragasa ng alon.

Saad naman ni Madamba nasa level 4 na ang banta ng National Weather Service na siyang dahilan ng pagkakansela ng ilang mga trabaho at pasok sa eskwela ng mga estudyante.

Marami na rin aniyang inilikas sa ilang parte ng naturang bansa.

Patuloy naman silang umaasa na hindi na makapaminsala pa sa mga buhay ng bawat residente doon.