-- Advertisements --

Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na mayroon ng nakalaan na 2 bilyonG doses ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng WHO initiative group na COVAX.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na dumarami pa ang mga bansa na tumutulong sa kanila parA makakuha ng mas maramin bakuna.

dr tedros who covid
WHO director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus

Mayroon na kasing 190 na bansa ang pumirma ng kasunduan sa COVAX.

Katuwang ng nasabing grupo ang The Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI).

Kinakausap na rin ng COVAX ang ilang mga kompaniya gaya ng Pfizer, Moderna at ilan pa.

“No vaccines in history have been developed as rapidly as these. The scientific community has set a new standard for vaccine development,” ani Dr. Tedros sa statement. “The urgency with which COVID-19 vaccines have been developed must be matched by the same urgency to distribute them fairly.”