-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang babaing nahuli sa drug buy-bust operation na isinagawa ng mga pulis sa Block 3, East Quirino Hill, Baguio City nitong Biyernes ng gabi.

Nakilala ang mga ito na sina Rhea Mendieta Omita, 39, tubong Bangar, La Union at Mary Grace Paypa Sabroso, 34, residente ng East Quirino Hill, Baguio City.

Ibinenta ni Sabroso ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa isa sa mga operatiba.

Nakumpiska pa sa mga ito ang pitong karagdagang pakete ng pinaniniwalaang shabu, ang ginamit na boodle money, weighing scale at gray pouch.

Nakatakdang isailalim ang dalawa sa drug test.