-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang dalawang babae at isa nasugatan sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima pawang mga babae at mga residente ng Pikit Cotabato.

Ayon sa ulat ng mga otoridad ang mga biktima ay naglalakad lamang sa Barangay Gli-gli Pikit Cotabato nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ang mga sugatan ay naisugod sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit ngunit dalawa sa kanila ang binawian ng buhay.

Sa ngayon ay nagdagdag pa ng pwersa ng militar at pulisya sa bayan ng Pikit Cotabato dahil sa sunod sunod na karahasan.