-- Advertisements --
2 FEMALE ASTROANAUTS
Astronauts Christina Koch and Jessica Meir/ NASA image

Gumawa ng kasaysayan ang dalawang babaeng astronauts sa pamamagitan ng pagsasagawa ng all-female spacewalks.

Kinilala ang mga ito na sina Christina Koch at Jessica Meir na umalis sa Quest airlock ng International Space Station.

Inayos ng dalawa ang power regulator ng Internatioal Space Station.

Tumagal ng limang oras ang paglalakad sa kalawakan ng dalawa.

Apat na beses ng nakapag-spacewalk si Koch habang ito ang unang beses na nakapaglakad si Meir na siyang itinuturing ng NASA na pang-15 babae na nakapaglakad sa kalawakan.

So Koch ay isang electrical engineer habang si Meir ay may doctorate sa marine biology.

Nagtungo ang dalawa sa Port 6 ng truss structure para palitan ang battery charge-discharge unit (BCD).

Ang unang babae na nakapag-spacewalk ay si Russian Svetlana Savitskaya na nagtungo sa labas ng Salyut 7 space stationg ng USSR sa loob ng tatlong oras, 35 minuto noong July 1984.

Habang ang unang tao sa kasaysayan na nagsagawa ng spacewalk ay si Soviet cosmonaut Alexei Leonov na pumanaw sa edad 85.

all woman NASA spacewalk
NASA astronauts Christina Koch and Jessica Meir made history by conducting the first all-woman spacewalk outside the International Space Station (ISS) (NASA photo)