-- Advertisements --

Itinalaga ni US President Joe Biden ang dalawang babaeng general sa 4-star combatant commander post.

Sa kaniyang talumpati kasabay ng International Womens Month, inanunsiyo nito ang pagtalaga kay General Jaqueline D. Van Ovost at Lt. Gen. Laura J. Richardson sa nasabing posisyon.

Dagdag pa ng US President kapag nakumpirma ang kanilang puwesto ay magiging pangalawa at pangatlong babaeng opisyal na mamumuno sa nasabing posisyon sa kasaysayan ng US.

Ang nasabing hakbang aniya ay bilang pagkilala sa mga hakbang na ginagawa ng US.