-- Advertisements --

jolo sulu bombing 6x6 1

Kinumpirma ni Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana sa Bombo Radyo na dalawang babaeng suicide bombers ang nanguna sa madugong Jolo twin bombing incident kahapon sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 14 na indibidwal habang 75 ang sugatan.

Hindi pa kasama sa bilang ng fatalities ang dalawang suicide bombers.


Sa isang text message na ipinadala ni Sobejana sa Bombo Radyo kinilala nito ang dalawang babaeng suicide bombers na si alias Nanah mula sa probinsiya ng Basilan at asawa ni Norman Lasuca ang kauna-unahang Pinoy suicide bomber na sumalakay sa kampo ng 1BCT ng Philippine Army at si Alias Inda Nay mula Sulu pero lumipat sa Tawi- Tawi at asawa ng napatay na si alias Abu Talha.

Si Abu Talha ay conduit ng international terrorist group ng ISIS.


Ibinunyag ni Sobejana na ang dalawang babaeng suicide bombers ay siyang target ng grupo ni Maj Marvin Indammog na pinatay ng siyam na pulis nuong June 29,2020.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng Bombo Radyo kay 11th ID at JTF Sulu Commander BGen William Gonzales na base sa kuha ng CCTV footage na ang unang pagsabog ay suicide bombing din.

Sinabi ni Gonzales hindi lang maidentify dahil grabe ang crater sa paligid bunsod ng malakas na pagsabog at talagang nagkalasog lasog ang katawan kaya hindi maidentify kung babae ang suicide bomber.

Nilinaw din ng heneral na hindi naka kabit sa loob ng motorsiklo ang IED gaya ng naunang report.

Tiniyak ng heneral gagawin nila ang lahat para mapanagot ang nasa likod ng madugong pagsabog.

Ang kumpirmado lang sa ngayon ay ang pangalawang pagsabog ay babae ang suicide bomber.

“Tuloy-tuloy ang ginagawang site investigation at clearing operations sa sentro ng Jolo, in fact naka lockdown pa hanggang ngayon simula nung nangyaring pagsabog kahapon, ang pinapapasok lamang natin ay yun lang may importanteng gagawin, as far as the investigation is concern andun yung PNP SOCO at military na nagco-conduct ng joint investigation para makakuha tayo ng accurate report sa insidente ng bombing,” pahayag ni BGen. Gonzales.

Jolo Sulu blasts Bombing 2

Pinangalangan na rin ng militar ang mga nasawing sundalo sa nangyaring kambal na pagsabog.

Ito ay sina: SSg Louie Cuarteros, SSg Manuelito Oria, Pvt John Rey Paller, Pvt James Apolinario, Pvt Juvienjay Emlani, Pvt Omair Muksan na pawang mga miyembro ng 21st Infantry Batallion at Pvt John Agustin na miyembro ng 35th Infantry Batallion.