-- Advertisements --
Patay ang dalawang babaeng mahistrado ng Supreme Court ng Afghanistan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek nitong araw ng Linggo.
Ayon sa pulisya, nangyari ang pagpatay sa dalawang judge, na hindi pa pinapangalanan, dakong alas-8:30 ng umaga (local time).
Sugatan naman umano ang kanilang driver.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang krimen.
Nanindigan naman ang grupong Taliban na hindi sila ang may pakana sa naturang insidente.
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag si Afghan President Ashraf Ghani kung saan kinondena nito ang pag-atake ng Taliban at iba pang militanteng grupo sa mga sibilyan. (Reuters)