-- Advertisements --

Ipinag-utos na ni PNP Chief Chief Gen. Debold Sinas ang isang pre-charged investigation at summary dismissal proceedings laban sa dalawang non-commissioned police officers na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.


“If left undetected, these two police rookies will continue with their drug use and perhaps influence others. They will have to go because there is no place for addicts in the PNP,” mensahe na PNP chief.

Kinilala ni Sinas ang dalawang bagitong pulis na nagpositibo sa illegal drugs na sina: Patrolman Reyland Lacap Intal ng Olongapo City Mobile Force Company, at Patrolman Benhur S. Ismael ng 2nd Sulu Provincial Mobile Force Company.

Sinabi ni Sinas, agad na dinis-armahan ang dalawang pulis at isinailalim sa restrictive custody ng kani-kanilang mga unit habang ongoing ang imbestigasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana na si Intal ay nagpositibo sa marijuana sa isinagawang random drug test na isinagawa ng PNP Crime Labortory sa 397 out of 422 personnel ng Olongapo City Police Office nuong January 15,2021.

Ang isinagawang random test sa OCPO ay bunsod sa pagkaka-aresto sa apat na pulis na nagsisilbing protektor ng isang drug syndicate na nagpapatakbo ng isang kitchen-type clandestine drug laboratory sa Subic.

Isasailalim din sa drug test ang 25 police personnel ng OCPO na kasalukuyang nasa schooling.

Samantala, sa probinsiya naman ng Sulu batay sa report ng Crime Laboratory Chemistry Report nakita na nagpositibo sa Methamphetamine o shabu si Ismael.