Inactivate na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang bagong binuong batalyon na idedeploy sa bahagi ng Eastern Mindanao Command.
Ang dalawang bagong batalyon ay ang 88th at 89th Infantry Battalions na siyang magbibigay suporta sa mga tropa ng 15th IB at 2nd Scout Ranger Battalion.
Ang dalawang batalyon ay mga beterano na nakipaglaban sa siyudad ng Marawi laban sa mga teroristang Maute.
Ang deployment ng dalawang bagong activated na batalyon ay para harapin ang pwersa ng mga komunistang NPA na tinawag na ngayong terrorist group ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na 50 percent sa kabuuang pwersa ng NPA sa bansa ay napaulat na nag ooperate sa area of operations ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom).
Batay sa report ng militar nasa 1,900 NPA rebels ang naitala sa nasabing lugar.
Ayon kay 401st Infantry Brigade Commander Col. Andres Centino,na direktiba sa kanila ng Department of National
Defence (DND) na isustaine ang operasyon laban sa komunistang grupo lalo na ngayon walang balak na magdeklara ng tigil putukan ngayong holiday season ang militar.
Inihayag ni Centino na hindi nila hahayaan na makapag recruit at regroup ang rebeldeng NPA lalo na sa kanilang anibersaryo sa darating na December 26,2017.