Nakatakdang ilunsad bukas ng LTFRB ang dalawa pang bagong ruta ng bus sa Metro Manila kasunod ng pagka-stranded ng maraming pasahero nitong unang araw ng GCQ.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III ito ay bahagi sa pinaiiral ngayon na 31 mga rationalized bus routes.
Ang dagdag biyahe simula bukas ay mula Angat, Bulacan hanggang Quezon Avenue kung saan pinayagan ang 510 na mga bus na bumiyahe. Tatawagin itong Route 5.
Habang ang tinaguriang Route 28 ay mula sa DasmariƱas, Cavite papasok ng NCR.
Aabot naman sa 151 bus units ang papayagan na magbiyahe.
Samantala puspusan pa ngayon ang ginagawang koordinasyon ng LTFRB sa MMDA at iba pang bus operators para sa pagpapatupad ng mga dagdag biyahe ng mga pampublikong sasakyan habang wala pang bumabiyaheng jeepney.