Nanumpa na ng pormal sa harap ni Supreme Court Chief Justice ang dalawang bagong itinalaga bilang hukom ng Court of Appeals (CA) na sina Associate Justices Edilwasif T. Baddiri at Jeoffre Willkom Acebido.
Kung saan sila’y nanumpa sa Korte Suprema, lungsod ng Maynila matapos mahirang na panibagong hukom sa naturang korte noon pang Pebrero 24, 2025.
Sa pagkakaupo ni Justice Baddiri, pinalitan niya sa pwesto si retired CA Justice Edwin D. Sorsogon.
Bago maging bagong hukom sa Court of Appeals, si Justice Baddiri ay nagging Presiding at Executive Judge ng Regional Trial Court sa lungsod ng Pasay at nagsilbi rin bilang Commissioner ng National Commission on Muslim Filipinos.
Habang papalitan naman ni Justice Acebido si retired CA Justice Victoria Isabel Paredes sa kanyang pagkakatalaga.