Nagtalaga ng dalawang bagong military commanders si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, na inaprubahan ng pangulo ang pagtalaga kay Rear Admiral Alberto Carlos ng Philippine Navy bilang bagong hepe ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at si Major General Ernesto Torres Jr ng Philippine Army bilang bagong hepe ng AFP Northern Luzon Command.
Dagdag pa ni Nograles na ang tiwala ang pangulo na magagampanan ng dalawang opisyal ang kanilang katungkulan ng buong katapatan.
Nauna rito nagpasa ang Kongreso ng panukalang batas na naglalayong limitahan sa tatlong taon termino para sa AFP chief at ilang mga military officials ganun din ang pagtaas ng mandatory retirement age ng mga generals at ilang mga flag officers.