Iminungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang options para sa implementasyon ng exanded number coding scheme sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, ang unang option ay ang mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa odd numbers na 1, 3, 5, 7, at 9 ay hindi papayagan na bumiyahe sa kalsada tuwing Lunes at Huwebes mula alas-7:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Para naman sa mga may plate numbers na nagtatapos sa even numbers tulad ng 2, 4, 6, 8, at 0 ay ipagbabawal na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa kaparehong time periods.
Pero lahat ng mga sasakyan ay papayagan namang makabaybay sa mga pangunahing kalsada tuwing Miyerkules.
Samantala, ang second option naman, ang mga may plaka na nagtatapos sa 1, 2, 3, at 4 ay papayagan tuwing Lunes; ang 5, 6, 7, at 8 tuwing Martes; 9, 0, 1, at 2 tuwing Miyerkules; 3, 4, 5 at 6 tuwing Huwebes; at 7, 8, 9, at 0 tuwing Biyernes.
Noong Pebrero, sinabi ng MMDA na pinag-aaralan nila ang posibleng expansion ng number coding scheme tuwing hapon, na nakatakda mula alas-5:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.