-- Advertisements --

Nasa 2 bagyo ang posibleng mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay state weather bureau specialist Rhea Torres, base sa kanilang climatological tracks, mayroong 2 scenario na posibleng mangyari kapag nabuo ang bagyo o pumasok sa PAR.

Ipinaliwanag ni Torres na sa unang scenario, ang bagyo ay posibleng lumapit sa kapuluan bago ito lumihis sa bansa.

Ang ikalawa namang scenario, kapag ang entry point ng bagyo ay mas mababa o nabuo sa silangang bahagi ng Mindanao, posibleng tahakin nito ang ilang parte ng Eastern Visayas, Bicol Region, Mimaropa at ilang parte ng Calabarzon bago ito tumulak patungong West PH Sea at tuluyan ng lalabas ng bansa.

Subalit, sa ngayon ay wala pang namomonitor ang state weather bureau na anumang low-pressure area o bagyo sa loob at labas ng PAR hanggang sa susunod na linggo na posibleng makaapekto sa bansa.

Samantala, ipinaliwanag din ni Torres na base sa satellite image, nananatiling mainit at maalinsangan ang weather forecast sa Luzon na may panandaliang manaka-nakang pag-ulan.