-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Dalawang kabahayan ang naabo sa nangyaring sunog sa Brgy. 74 Lower Nula-tula, Tacloban City.

Ayon kay FO2 Geraldo Nelson, Duty Investigator ng Bureau of Fire Protection(BFP) TAcloban, ang nasabing mga residential houses ay pagmamay-ari nina Egardo Leonido at Efren Villones.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang pagsiklab ng apoy dahil sa naiwang baga ng apoy matapos maglechon ng may-ari na tumama naman sa nasabing kabayahan na gawa sa light materials.

Dagdag pa nito, madaling kumalat ang apoy dahil na rin sa ihip ng hangin lalo na’t malapit sa dagat ang nasabing lugar.

Naging pahirapan ang pagresponde ng mga otoridad dahil maraming wire sa lugar na maaring tumama sa kanilang fire truck.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa insidente at ayon sa inisyal na pagtaya ng BFP aabot sa P100,000 ang kabuuang pinsalang naidulot nito.