-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng dalawang bangkay na natagpuan sa magkabilang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Unang natagpuan ang isang lumulutang na bangkay sa isang ilog sa Gawana, Tocucan, Bontoc, Mountain Province noong nakaraang linggo.

Agad itong nailibing sa bahagi ng Bontoc-Kalinga National Road sa pagitan ng Tocucan, Bontoc at Anabel, Sadanga sa Mountain Province kasunod ng naging desision ng Municipal Health Officer ng Bontoc.

Natagpuan naman ang naaagnas na bangkay sa Banenbeng Creek, Pambasan, Ampucao, Itogon, Benguet noong Hulyo 29.

Naniniwala ang mga awtoridad na isa ito sa mga nawawala kasunod nang pananalasa ng Bagyong Ompong noong nakaraang taon.