-- Advertisements --
Burnt bodies
Contributed photo

(Update) CEBU CITY – Isasailalim sa DNA testing ang dalawang sunog na bangkay matapos matagpuan sa bakanteng lote sa may Barangay Putat, bayan ng Tuburan, sa lalawigan ng Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Staff Sergeant Joremar Herbuena ng Tuburan Police Station, sinabi nito na dumulog sa kanilang tanggapan ang isang nagpapakilalang ina ng isa sa mga biktima na taga-Brgy. Mambaling, sa lungsod ng Cebu.

Ayon kay Herbuena, nawawala umano ang anak ng nagpapakilalang ina noon pang araw ng Linggo.

Kaya naman kinuhanan ng mga imbestigador ang DNA sample mula sa nagpapakilalang ina upang makumpirma ang identity ng mga biktima kung saan sinunog umano ito sa isang bakanteng lote.

Nasa PNP Crime Laboratory naman ang dalawang bangkay upang isagawa ang DNA testing at saka naman isasapubliko ang identity ng mga biktima.