-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Dalawa katao na wala ng buhay ang natagpuan sa lalawigan ng Maguindanao.
Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalake sa hangganan ng Barangay Nituan at Brgy Masagsaysay Parang Maguindanao.
Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Kung saan nakasuot ito ng brown short pant at orange shirt.
Ang pangalawang bangkay ng lalake ay natagpuan sa Barangay Campo 1 Matanog Maguindanao na nakasuot lamang ng brief at tadtad ng saksak sa katawan lalo na sa kanyang leeg kung saan nakilala itong si Kudjack Gyamat.
Ang mga biktima ay pawang mga residente ng Sultan Kudarat Maguindanao.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya motibo at mga suspek sa pamamaslang sa mga biktima.