-- Advertisements --

NAGA CITY – Dalawang bangko sa lungsod ng Naga ang pansamantalang isinara matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang empleyado.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Nelson Legacion, sinabi nitong kinumpirma nito na empleyado ng dalawang bangko sa lungsod sinda Bicol No. 290, 29-anyos na babae at Bicol No. 295, 26-anyos na lalaki na mga residente ng Camaligan, Camarines Sur.

Kaugnay nito, mahigpit na contact tracing ang isinagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga at bayan ng Camaligan.

Agad namang nanawagan si Legacion sa tanggapan ng nasabing mga bangko na pansamantalang magsara habang nagsasagawa ng disinfection at iba pang precautionary measures.

Samantala, maging ang mga empleyado mula sa ilang tanggapan sa City Hall ang kontrolado na rin maging ang mga functions sa naturang mga departamento.