-- Advertisements --

Kinasuhan na nang PNP Criminal investigation and detection group (CIDG) ang dalawang bantay ng drug suspek na si Jun No matapos makatakas ito noong Sabado habang nagpapagamot sa East Avenue Medical Center.

Kinilala ang dalawang bantay na sina Intelligence Officer 2 Ernie Eugenio ng PDEA at Spo2 Michael Macarubbo ng PNP Drug enforcement group.

Nahaharap sa kasong kriminal o paglabag sa Article 224 of revised penal code evasion thru negligence at kasong administratibo na serious neglect of duty ang dalawang bantay.

Ayon kay PNP DEG spokesperson Supt Enrico Rigor, kahapon inaresto ang dalawang bantay kasama ang babaeng girlfriend ni No na si Darlene So na kaagad ininquest sa piskalya kahapon.

Sinabi ni Rigor nakatulog si Eugenio habang nagbabantay kay No at umalis sa pwesto nito si Macarrubo para mananghalian na siyang naging pagkakataon para makatakas ang suspek.

Inihayag ni Rigor na hindi sinunod ng dalawang bantay ang protocol na dapat ay nakaposas ang isang kamay ng drug suspek sa kama nito sa ospital.