-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matapos ang brutal na pagpatay sa rebelding New People’s Army o NPAs sa barangay chairman sa San Pedro, San Luis, Agusan Del Sur, isang buwan na ang nakaraan, tuluyan nang ideniklara ng konseho ang kumunistang NPA na Persona Non Grata” sa kanilang barangay kasabay sa anibersaryo ng NPA noong Marso 29.

Nagiging pormal ang deklarasyon sa pamamagitan sa barangay resolution na ipinapasa ng council kung saan dineklara ang CPP-NPA ay mga kasabwat na organisasyon bilang“persona non grata”, kasabay naman sa pag-alsa-masa ng barangay laban sa rebelde.

Pinangunahan ang deklarasyon ni Hon. Willy Manlicayan, ang bagong upong Barangay Chairman sa San Pedro na sinundan naman sa oath taking sa katapatan sa gobyerno sa 148 na mass supporters ng NPA na pina-facilitate ni Sangguniang Bayan Member Franklin Mandumutan.

Kung maalala, inamin ni “Ka Omar Ibarra”, tagapagsalita sa Western Agusan Norte-Agusan Sur Sub-Regional Command sa NPA, ang pagpatay kay kapitan Robencio Salamoren kung saan parusa umano ito sa nagawang kremin at counter revolutionary activities.

Ayon kay Ibarra, si Salamoren ang “legitimate target”ng NPA kung saan inambush nila ito habang sakay sa kaniyang single motor.

Ang Barangay San Pedro ang unang barangay sa San Luis, Agusan del Sur na nagdeklarar sa NPA bilang persona non grata.

Kaugnay nito, inihayag ni Lieutenant Colonel Romeo C Jimenea, Battalion Commander ng 26th Infantry “Ever Onward “Battalion na patuloy ng tutulong ang 26IB sa Barangay San Pedro sa pagpapanatili sa kapayapaan upang magpapatuloy ang pagserbisyo sa taong bayan na walang kinatakotan o impluwensiya ng NPA.

Dumalo rin sa nasabing community dialogue ang mga tribal leaders na pinangunahan ni Datu Dagsaan, Yonel Mansumangkay na mahigit nba kinokondena ang pagpatay sa Lumad na Manobo na si Salamoren.

Habang si P/Capt EMERSON C BAJAO, COP sa San Luis MPS ay nangakong ibibigay ang katarungan kay Salamoren at maparusahan ang mga criminal.