GENERAL SANTOS CITY – Apektado ang dalawang barangay sa Alabel, Sarangani Province matapos tamaan ng buhawi.
Sa ulat ng Alabel Municipal Disaster Risks Reduction and Management Office (MDRRMO) nangyari ang nasabing buhawi kahapon, Marso 19, 2023, na sumira sa 22 kabahayan sa barangay Domolok at brgy. Tokawal.
Ayon naman sa MSWDO Alabel, nasa 80 indibidwal ang naapektuhan sa insidente.
Alinsunod sa direktiba ni Mayor Vic Paul Salarda, nagsagawa kaagad ng relief operation ang Lokal na Pamahalaan ng Alabel, Sarangani sa pamamagitan ng mga tauhan ng MDRRMO at MSWDO.
Sa isinagawang assessment, tinatayang nasa P88,000.00 na totally damaged at P51,000.00 naman ang partially damaged. Sa kabuoan ay may P139,000.00 ang halaga ng lahat ng pinsala ng imprastraktura sa dalawang barangay.