-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naipasailalim sa hard lockdown hanggang Oktober 10 ang dalawang barangay sa Baguio City.

Sa datos ng City Health Office, 77 na ang kabuuang kaso a naitala sa Barangay City Camp Central at Baranggay Dominican Hill.

Ayon sa mga otoridad, nakatakdang isailalim sa COVID-19 test ang mahigit isang daang nakasalamuha nila.

Ideneploy na rin ng Baguio LGU ang mga bagong contact tracers na tutulong para sa COVID-response ng siyudad.