BAGUIO CITY – Muli ay humihiling ng suporta ang mga residente at opisyal ng Barangay Dalupirip at Tinongdan, Itogon, Benguet para sa kanilang isinusulong na maging isang bayan ang kanilang barangay.
Partikular na hiniling ng mga barangay officials ang suporta ni Benguet Cong. Nestor Fongwan Sr. para maipasa ang panukala sa Kamara na magreresulta para maihiwalay ang dalawang barangay at ito ay magiging bayan na tatawaging Colos.
Ayon kay Tinongdan Punong Barangay Edwin Atumpag, matagal na nilang ninanais na maging isang bayan ang kanilang barangay para sa pagkakakilanlan ng kanilang tradisyon at kultura.
Sinabi niya na una nang pinirmahan ng mga opisyal ng Dalupirip at Tinongdan ang resolusyon para sa nasabing plano.
Nakasulat sa resolusyon na kuwalipikadong maging isang bayan ang dalawang barangay dahil sa laki ng land area at population nito.